Abante Tonite Interactive

Giant Hito nalambat sa Pasig River

784

Isang mala-higanteng isdang hito na may bigat na halos 10-kilo ang nabingwit sa Pasig River ng mga residente sa bahagi ng Guadalupe sa Makati City.

Ang nasabing giant hito ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC Executive Director Jose Antonio ‘Pepeton’ E. Goitia ay nakorner kahapon nang umaga kung saan ayon sa nakalambat dito ay tinatayang nasa sampung kilo ang timbang nito.

Kasabay naman nito’y pinaalalahanan ni Gotia ang publiko na bagama’t magandang senyales ang pagkakahuli ng malalaking isda sa ilog-Pasig ay maiging ibayong pag-iingat pa rin ang gawin at alamin muna kung ligtas itong kainin.