Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gibo gumimik sa bakuna para makita si Sara

0 490

Lumipad kahapon papuntang Davao si dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. kasama si Gilbert Teodoro na dati nang tumakbo sa pagkapangulo noong 2010.

Ayon kay Andaya, kasama niyang lumipad pa-Davao ang kanyang `bise presidente’ para makipagkita sa kanyang `presidente’ at ayos na aniya kasunduan.

“On my way with my Vice President to meet my President. Done deal folks,” sabi ni Andaya sa kanyang post sa Facebook alas-10:30 ng umaga kahapon na may kasamang selfie sa loob ng isang private plane at nasa likod niya si Teodoro.

Nag-post din si Andaya ng larawan ni Teodoro na nagpapabakuna laban sa COVID-19 at pinasalamatan niya si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio sa bakuna.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinutakte naman ito ng tanong ng mga netizen.

Sabi ni Machu Magno, “nawala pag hanga ko kay Gibo. Papa turok lang pupunga pa ng Davao. Ano po ginastos niyo jan? Pera ng taumbayan?”

Dagdag pa ni RD Abs, “special treatment. Daming Pfizer sa Davao.”

Tweet naman ni Lean Porquia #ResistTheFascist @IanMakabayan, “Di ba may travel restrictions? Is this an essential travel? Or is political career/survival now part of the IATF guidelines?” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.