Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gierran inurirat ng Palasyo: PhilHealth walang sinibak sa korapsiyon

0 111

Kinuwestiyon ng Malacañang si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Dante Gierran kung bakit hindi pa nasisibak sa puwesto ang mga opisyal na isinangkot noon sa mga anomalya na kumaladkad sa reputasyon ng ahensiya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may isang natanggal sa PhilHealth subalit ito’y dahil nag-resign na.

SM food to go Banner Ad

“Ang panawagan ko kay Atty. Gierran, bakit iisa pa lamang ang natatanggal sa PhilHealth dahil sa mga anomalya, nag-resign pa. Ang ibig mo bang sabihin lahat ng mga anomalya sa nakalipas ay naririyan pa rin ang lahat ng mga taong responsable pa diyan, at ni isang tao sa PhilHealth hindi dapat sibakin? Hindi po kapani-paniwala `yan!” wika ni Roque.

Ipinahayag ito ni Roque matapos na kalampagin ang PhilHealth na bayaran na ang atraso sa mga ospital para hindi makompromiso ang kaligtasan ng publiko lalo na ngayong panahon ng pandemya. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.