Abante Tonite Interactive

Gift ideas by zodiac sign

273

Gustong magbigay ng thoughtful gifts pero ‘di alam kung saan magsisimula? Dito… dito ang simula. Simulan basahin ang mga sumusunod para sa ilang gift ideas na swak sa zodiac sign ng taong bibigyan mo ng present:

ARIES – Kilala ang mga may zodiac na Aries­ na ipinaglalaban ang kanilang mga paniniwala. Tiyak na maa-appreciate nila kung bigyan sila ng regalong makakatulong sa kanilang ipaha­yag ang kanilang nasa saloobin. Puwedeng regaluhan sila ng perso­nalized statement shirts o customized na kuwintas.

TAURUS – Para sa gustong laging kompor­table at nagsa-stand out na mga Taurean, mamahaling chocolates o mga malalambot na coat ang iregalo sa kanila at tiyak na pasasalamatan ka nila para rito.

bagGEMINI – Bilang ang mga ganitong zodiac sign ay mahilig mag-tra­vel, magandang ideya ang mga tra­vel accessories bilang rega­lo. Mainam din ang organizer o planner dahil kadalasan ay makakali­mutin sila.

CANCER – “It’s the thought that counts, E‘yan ang mantra sa pagbibigay­ ng present sa mga Cancerians. Isang handmade item o anumang makakapagpaalala sa kanila ng kanilang pinagmulan ay tiyak na ikakatuwa nila.

LEO – Upang matulungan ang isang Leonine na ma-express ang kanyang ‘wild side’ regaluhan siya ng damit o accessory in tiger or leo­pard print. Akmang-akma ito sa kanyang itinatagong karakter.

diyVIRGO – Para sa mga Virgoans na gusto ang mga creative and functional pieces, sasaya silang lubos ‘pag maregaluhan ng DIY kits. Sa pamamagitan nito ay makakalikha sila ng mga bagay na kanila mismong magagamit.

LIBRA – Kagaya ng simbolo ng zodiac­ na ito, gusto ng Librans ang balance. Para sa ikakasaya nila, magandang gift idea ang cuff links para sa mga lalaki at pares ng hikaw para sa mga babae.

SCORPIO – Ele­mento ng misteryo ang gusto ng mga taong Scorpio ang zodiac. Magiging interesante para sa kanila ang makatanggap ng regalong gaya ng Rubik’s cube o mga jigsaw puzzles dahil nasusubok ang kanilang pag-iisip.

SAGITTARIUS – Kagaya ng mga may sign na Gemini, napakahilig din mag-travel ng mga Sagittareans. Bukod sa mga travel accessories, ikakatuwa rin nila ang makatanggap ng libreng overnight stay sa isang hotel o river cruise.

plannerCAPRICORN – Ang mga tao sa ganitong sign ay likas na praktikal sa pamumuhay. Maa-appreciate nila ang mga bagay na magagamit nila lalung-lalo na sa pagpaplano ng kinabukasan. Day planners at wristwatch ang bagay na bagay na iregalo sa kanila.

AQUARIUS – Bilang likas na curious, creative, at honest na sign, ikakasaya nang lubha ng isang Aquarean kung makatanggap ng regalong naiiba sa lahat at magagamit nila para mailabas ang natatagong creativity. Bukod sa mga DIY kits, magandang suhestiyon din ang good quality headset bilang regalo.

PISCES – Sinasabing madalas na ‘misunderstood’ ang mga Pisces ang zodiac sign. Para maiwasang magkamali (na naman!) sa ibibigay na gift sa isang Piscean, magandang suggestion ang magrega­lo ng kuwintas na may interchangeable pendants para sila na mismo ang makakapili ng magugustuhan nilang gamitin sa set na ibinigay.

Gamitin ang mga na­banggit na ideas sa susunod na pagkakataong magreregalo at tingnan ang ngiting ibibigay nito sa nakatanggap.