Abante Tonite Interactive

Gigi hurado sa rape case ni Weinstein

0 319

Isa si Gigi Hadid sa magiging jurors sa rape and sexual assault trial ni Harvey Weinstein. Ito ay bilang bahagi umano ng kanyang civic duty.

Nitong Lunes, January 13 ay dumalo ang supermodel sa New York courtroom. Ayon sa report, sinabi umano ni Hadid sa judge na kaya niyang buksan ang isip sa katotohanan.

Sinabi rin niya na dati na rin niyang na-meet si Weinstein, maging ang aktres na si Salma Hayek.

Inaasahan na muling babalik ang model sa Huwebes para sa ilan pang katanungan. Kaya’t inaasahan din na makabilang siya sa 12 jury sa kaso.

Si Harvey Weinstein ay inakusahan sa panggagahasa sa isang babae sa Manhattan hotel room noong 2003. Kasunod nito ay ang sexual assault noong 2006. Kapag napatunayang guilty, maaari siyang hatulan ng habambuhay na pagkakakulong. (Ronaline Avecilla)