Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gigi Reyes humirit na makalaya

0 137

Nagpasaklolo sa Supreme Court (SC) si Jessica Lucila ‘Gigi’ Reyes na dating chief-of-staff ni ex-Senate President Juan Ponce Enrile para mapalaya siya sa detensiyon, dahil sa umano’y paglabag sa kanyang karapatan sa mabilis at patas na paglilitis.

Sa kanyang petition for habeas corpus, giniit ni Reyes na nakadetine siya mula pa noong Hulyo 9, 2014 pero walang palantandaan kung siya at mapapalaya sa hinaharap.

Si Reyes ay nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City dahil sa naging papel umano niya sa pork barrel scam, kung saan siya diumano ang tumatanggap ng kickback ni Enrile na nagkakahalaga ng P172.8 milyon mula kay Janet Lim Napoles, itinuturong mastermind ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.