Abante Tonite Interactive

Gilas Coach Chot libreng mamingwit sa PBA – Kume Marcial

By
3,021

Puwede nang pumili si national coach Chot Reyes ng kahit sinong gusto niyang players, kahit ilan, mula sa 12 PBA teams na isasahog sa Gilas Pilipinas.

Dati ay tigalawa lang bawat team sa PBA ang puwedeng ipahiram sa national team: isang cadet player at isang veteran. Pero pag-upo ng bagong Commissioner na si Willie Marcial ay agad na hiniling sa Board na luwagan ang kasunduan.

Nitong Jan. 25 ay ninombrahan ng PBA Board si Marcial bilang 10th Commissioner ng liga, binigyan ng tatlong taong termino.

Abante Hiring – IT dep

Pumayag naman daw agad ang Board sa mungkahi ni Marcial.

“’Yun ang sinabi ko sa inyo na ipi-pitch natin sa Board,” wika ni Marcial. “Masaya naman tayo na hindi ‘yun hinindian ng Board.”

Una sa listahan ng malalaking torneo na pinaghahandaan ng Gilas ang 2019 FIBA World Championships.

“Sila (Board) na ang nagsabi na kung sinong player ang gusto ni coach Chot, pag-usapan natin. Basta wala lang problema sa schedule ng games,” dagdag ni Marcial.