Abante Tonite Interactive

Gilas final 12 nakadepende kay Blatche

By
9

Hindi pa madesisyunan ni national coach Chot Reyes ang final­ 12 ng Gilas Pilipinas hangga’t hindi pa dumarating si naturalized Andray Blatche.

Dadayo ng Tokyo­ ang Nationals para harapin ang Japan sa first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nov. 24, sa bisperas na ng bakbakan malamang na isumite ni Reyes ang kanyang final lineup.

Kasama lahat ng nasa pool na bibiyahe ng Tokyo.

Abante Hiring – IT dep

Binigyan ng sendoff ng Chooks to Go ang Gilas kahapon, kasama ni Reyes sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Kiefer Ravena, Allein Maliksi, Mac Belo, Troy Rosario, Roger Pogoy, Kevin Alas, Matthew Wright at Carl Bryan Cruz. Wala sina Jayson Castro (back spasm) at Calvin Abueva (flu-like symptom). Si Terrence Romeo ay may iniinda sa tuhod.

“We really don’t know yet up to this point,” sagot ni Reyes nang matanong sa kanyang final 12. “We will make the final lineup the night before when the deadline is due.”

Sinabi din ni Reyes na inaasahang darating hanggang kagabi si Blatche, naglaro pa sa kanyang team na Xinjiang Flying Tigers sa China nitong Biyernes.