Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas guest sa PH Cup

0 193

Maari pang maglarong guest team, hindi na nga lang puwedeng magkampeon na ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 na planong buksan sa May o June.

Binanggit ni PBA Commissioner Willie Marcial na nakadepende sa petsa ng opening ng all-Pinoy ang magiging ilang games na lang ng national quintet na naghahanda sa third and final window ng 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 sa Clark, Pampanga sa June 16-20, at sa FIBA Olympic Quialifying Tournament sa Belgrade, Serbia sa June 29-July 4.

Ilang beses na nakansela at palipat-lipat ng venue ang third window dahil sa pandemic. Noon isang taon pa dapat natapos ito patungo sa tournament proper sa parating na August 16-28 sa Jakarta, Indonesia. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.