Abante Tonite Interactive

Gilas kakaliskisan ng Australian team

298

Nadagdagan ang paghahasa ng Gilas Pilipinas sa 18th FIBA (International Basketball Federation) World Cup 2019 sa pagpayag ng isang Australian team na sumalang sa dalawang tune up games.

‘Di ang Australian Boomers ang makakatapat, pero magandang exposure at gauge sa Filipinos ang kalibre ng Adelaide 36ers na apat na beses nang nagkampeon sa NBL (National Basketball League).

August 23 at 25 naka-iskedyul ang laro sa Meralco Gym sa Pasig, huling tune up ng Gilas bago tumulak ng China para sa World Cup tournament sa Aug. 31-Sept. 15.

Bago harapin ang Australian team ay darayo muna ng Spain ang Nationals para sa ilang laro din.

July 2 ng nakaraang taon, nauwi sa rambulan ang laro ng Gilas at Boomers sa Philippine Arena sa Bulacan window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na nagresulta sa suspension ng bulto ng players ng magkabilang panig.

Nabanggit noon ni coach Yeng Guiao na gusto niyang magkaroon ng friendlies ang Pilipinas at Australia para maibaon na ang nakaraang insidente. (VE)