Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas lagare sa Hunyo

0 97

Lubhang magiging abala ang Gilas Pilipinas sa posibleng magkasunod na sasabakan nito na FIBA Asia Cup qualifiers at ang importanteng Tokyo Olympic Qualifying (OQT) na maganap kapwa sa Hunyo.

Bagaman nagkaroon ng mas mahabang panahong makapaghanda para sa ikatlong window ng Asia Cup qualifiers, umaasa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hindi magiging masyadong madikit ang panahon para sa susunod na matinding hamon na pagsabak ng koponan sa OQT.

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ang ikatlo at huling window ng torneo para sa mga natitirang team ay nausog mula sa itinakdang buwan ng Marso tungo na sa Hunyo.

“Ang tinitignan nila is June 14 to 20. Sa ngayon ‘yun ang tentative schedule.’ Di pa sila naglalabas ng official release pero ‘yun ang tinitignan ngayon,” sabi ni Barrios sa Radyo5’ Power and Play ni Noli Eala.

SM food to go Banner Ad

Ang 2020 FIBA Men’s Olympic Qualifying Tournaments ay apat na torneo na paglalabanan ng 24 national team kung saan ang mangunguna ay maiuuwi ang silya sa dapat na 2020 Summer Olympics.

Orihinal itong itinakda noong Hunyo 23 hanggang 28, 2020 subalit na-postponed dahil sa pandemic sa Hunyo 22 hanggang Hulyo 4, 2021.

Wala pa din inihahayag ang FIBA kung nabago ang mga petsa.

Ang Clark ang muling nabigyan ng hosting rights para sa ikatlong window matapos mapuwersa ang Doha kanselahin ang bubble dahil sa biglaang pagtaas ng bilang ng kaso sa Qatar. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.