Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas lagare sa Manama

0 255

Apat na sunod na araw kakayod ang Gilas Pilipinas sakaling matuloy ang kumpletong komposisyon ng grupo nitong kabibilangan sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Nobyembre 27 sa Manama,Bahrain.

Binubuo lang ng mga collegiate standout, unang makakasagupa ng Nationals ang Thailand sa Nob. 27 bago ang South Korea kinabukasan.

Gayunman,nilagyan ng blue code ang mga laro na nasa ilalim ng “still under consideration” matapos ang unang ulat na umatras ang SoKor sa kompetisyon dahil sa takot sa Covid-19.

Sunod na kalaban ng mga Pinoy ang Indonesia sa Nob. 29. Ang Indonesians ayng una nang tinalo ng ‘Pinas sa unang duwelo noong Pebrero, 100-70.

Sunod na gaganapin ang laban nito kontra Thais uli para sa huling laro sa FIBA Asia bubble.

Mangunguna sa 16-katao koponan sina dating 2-time Cesaf I MVP Rey Suerte, special Gilas draftees Mike at Matt Nieto, Isaac Go, Allyn Bulanadi at iba. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.