Abante Tonite Interactive

Gilas mahihirapan sa Indonesia — Dickel

401

Biyaheng Jakarta na ang Gilas squad kagabi, bukas ay haharapin sa Mahaka Arena ang Indonesia sa unang laro ng Pilipinas sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kinansela ng International Basketball Fe­deration ang pagho-host sana ng mga Pilipino sa Thailand sa Smart Araneta Coliseum noong Feb. 20 dahil sa pagkalat ng coronavirus disease.

Nakumpirmang hindi maglalaro sa Indonesia si naturalized player Lester Prosper na dati ring naging import ng Columbian Dyip sa nakaraang Commissioner’s Cup sa PBA.

Inaasahan pa rin ni interim coach Mark Dickel na magiging matigas ang Indonesians lalo’t sa homecourt nila ang bakbakan.

“I expect it to be a close game, a difficult game,” anang active consultant ng TNT.

Isasagupa ni Dickel ang kabubuong Gilas squad na pangu-ngunahan ni team captain Kiefer Ravena, CJ Pe­rez, RR Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram, Justin Chua at Abu Tratter. Makakasama nila sina Third Ra-vena, Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez de Liano at Dwight Ramos.

Huwebes nang gabi sa opening day ng torneo, tinambakan ng dumayong Korea ang Indonesia, 109-76.

Si Abraham Grahita ang bumuhat sa hosts sa kinamadang 25 points. Si dating Gilas coach Rajko Toroman ang nagtitimon sa Indonesia. (Vladi Eduarte)