Abante Tonite Interactive

GILAS NAKA-SALVAGE NG 7TH

10

Napuwersa sa see-saw battle ang Gilas Pilipinas kontra Jordan, pero pagkatapos ng 40-minuto ng bakbakan ay nasa ibabaw ang Filipinos 75-70 para maka-salvage ng se­venth place finish sa FIBA Asia Cup 2017 sa Nouhad Nawfal Sports Complex.

Mainit na inumpisa­han ng Naitonals ang kampanya sa Beirut, Lebanon, unang giniba ang defending champion China sa unang asignatura sa group stage bago isinunod na kinaldag ang Iraq at Qatar.

Bigla ay naging contenders ang Filipinos matapos ang tatlong sunod na panalo, pero mabilis ding nalubog.

Natambakan ang Gilas sa Korea 118-86 sa quarterfinals at gumuho ang pangarap na podium finish.

Laban ang Nationals ni Chot Reyes para hindi maiwan sa kailaliman, pero pareho lang sila ng misyon ng Jordan kagabi.

Natapos ang first quarter sa 17-17 deadlock, bahagyang naka-abante ang Filipinos 35-27 sa break.

Nakabalik ang Jordanians sa third pero kumapit ang Filipinos sa unahan 58-53 papasok ng fourth.

Hanggang sa huling minuto ng laro ay nagbabanta ang Jordan na naglunsad ng 11-0 run para agawin ang manibela 70-65, bago nakapagkasa ng 10 unanswered points ang Gilas para ipagpag ang katapat.

Inumpisahan ni Terrence Romeo ang finishing kick ng Gilas nang subuan si Japeth Aguilar para sa go-ahead basket, bago nakapuwersa ng backing violation sa kabila.

Tumapos sina Romeo at Matthew Wright ng tig-13 points, may 9 si Carl Bryan Cruz para sa Gilas. Nagsumite si Aguilar ng eight points at seven rebounds, may eight markers at eight assists si Jayson Castro.