Abante Tonite Interactive

Gilas ni Dickel da best

342

Loaded ang bases ng Gilas Pilipinas, covered na lahat kaya kinailangang magbawas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ni interim coach Mark Dickel.

At 12 lang naman ang final lineup, kaya may nalaglag sa pool na pinagkunan ng roster para isabak sa pangalawang laro sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Dadayo ng Jakarta ang Nationals para harapin sa away game ang Indonesia sa Feb. 23.

Pitong PBA players ang nasa final cut – sina captain Kiefer Ravena, Poy Erram, CJ Perez, Troy Rosario, RR Pogoy, Abu Tratter at Justin Chua.

Makakasama nila sina Thirdy Ravena, Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez de Liano at Dwight Ramos.

Mahirap sa SBP at kay Dickel ang mamili, pero kailangan. Sa tingin nila, ang team na binuo ang best chance ng ‘Pinas sa window.

“You gotta pick the best players that are in the group, and I felt we did that,” ani Dickel. (Vladi Eduarte)