Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas palaban sa gitna – Fajardo

0 212

Magkaroon nang mapuwersang frontcourt ang Gilas Pilipinas sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga itataguyod ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), Japan at Indonesia.

Nasilip ito ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa napipintong pagsasama sa national men’s basketball team para sa quadrennial hoopfest ng tatlong higante.

Sila ay sina National Basketball League (Australia)-bound 7-foot-3 Kai Zachary Sotto, newly-naturalized 6-10 Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame at US National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school (Toledo), former Batang Gilas member 6-10 Ariel John ‘AJ’ Edu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Malakas ang tatlong iyan,” bulalas ng six-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player na naglalaro sa San Miguel Beer sa 2OT podcast.

Isa rin ang 31-anyos at 6-10 na sentro mula Cebu na malamang mapabilang sa PH 5 sa World Cup, pero depende aniya aniya iyon sa kalusugan niya.

“Maglalaro ako kasi makaling karangalan iyan, pero depende kung ano ang takbo ng panahon. Puwede kung puwede naman akong maglaro doon,” panapos na wika ni ‘The Kraken’ na nakadalawang World Cup na sa 2014 Spain at 2019 China. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.