Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas pool blangko pa

0 246

Sa isang buwan na ang third at final window ng 2021 International basketball federation (Fiba) Asia Cup Qualifier, pero hanggang sa mga sandaling ito’y blangko pa rin ang listahan ng Gilas Pilipinas national men’s basketball team.

Naghihintay ang Philippine Basketball Association (PBA) sa isusumiteng listahan ng mga player ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isasama sa Gilas pool para sa krusyal na qualifier sa Clark, Pampanga sa February 18-22.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi nitong Sabado ni PBA Commissioner Willie Marcial na wala pang dumarating na request sa kanyang tanggapan na galing sa SBP para sa hihiraming propesyonal na basketbolista na lalaban ng isang laro sa Indonesia at dalawa sa South Korea.

“HInhintay pa namin ang listahan. Sabi namin sana ibigay na kaagad sa amin kung sino mga kailangan nila para makausap namin ‘yung mga player. Kasi lahat nasa bakasyon na eh saka kailangan na malaman din ng mga mother team nila.”

Muling nagpasaklolo ang SBP para mahiram ang mga PBA player para sa nalalapit na torneo kung saan nagpalakas ang Indonesians at ang palaging mapanganib na Koreans. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.