Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas pool Jan 22 mabubuo

0 69

May 11 player na ang pumasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna Linggo para sa Gilas Pilipinas training pool buble na naghahanda sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 third & final window qualifier sa Angeles, Pampanga sa darating na February 18-22.

Nangunguna sa grupo sina Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX, at kandidato sa naturalization Angelo Kouame bago sila sundan ng ilan pang PBA stars bilang second batch sa Calambubble sa January 22.

Nasa unang batch din na umentra kahapon sina Gilas Cadet members Isaac Go, magkapatid na Matt at Mike Nieto, at Rey Suerte. Gayundin sina Javi Gomez de Liano, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Matetikaana, William Navarro, at Kenmark Carino.

Isinahog din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. bilang Gilas assistant coaches sina PBA mentors Norman Black ng Meralco at Carlos Garcia ng Rain or Shine. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.