Abante Tonite Interactive

Gilas Pool ni Coach Yeng, nagsimula na sa ensayo

By
1,439

Nagsimula nang mag-ensayo ang Gilas Pilipinas pool kahapon.

Kumuha si coach Yeng Guiao ng 16 players mula PBA na bubuo sa pool, tatapyasin niya sa final 12 bago dayuhin ng Nationals ang Iran sa Sept. 13 para sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makalipas ang apat na araw, iho-host naman ng Pilipinas ang Qatar sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa pool din sina Japeth Aguilar at Matthew Wright, kasama sa 10 players ng Gilas na nasuspinde dahil sa pagkakasangkot sa bugbugan sa second window game kontra Australia noong July 2 sa Philippine Arena.

Ang iba pa sa pool ay ang ilan sa National team ni Guiao na tumapos ng fifth place sa 2018 Asian Games na sina Beau Belga, Raymond Almazan, Gabe Norwood, Paul Lee, Poy Erram, Asi Taulava, Christian Standhardinger at Stanley Pringle.

Idinagdag dito sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Allein Maliksi, Ian Sangalang, Greg Slaughter at Scottie Thompson.