Abante Tonite Interactive

Gilas pool pasok sa Draft

156

Nagkasundo rin ang PBA at SBP na isama ang Gilas pool players sa ­annual Rookie Draft sa Oct. 30 sa Robinsons Place sa Ermita.

Sa press conference sa halftime ng Meralco-Ginebra Game 6 ng PBA Governors Cup kagabi, sinabi nina PBA Commissioner­ Chito Narvasa at SBP president at Meralco governor Al Panlilio na hiwalay na mapagpipilian ng 12 teams ang 12 players ng Gilas, bukod sa amateurs na nag-apply sa draft.

Ang Gilas pool ay binubuo nina Jio Jalalon, Carl Bryan Cruz, Ed Daquioag, Kevin Ferrer, Matthew Wright, Von Pessumal, Russell Escoto­, Arnold Van Opstal, Roger­ Pogoy, Mike Tolomia, Mac Belo at Alfonzo G­otladera.

Unang inihayag ng SBP na walang Gilas player na mag-a-apply sa PBA draft, pero mukhang nagbago ng isip matapos ang pakikipag-usap kay Narvasa.

“Each team will be given a chance to pick one Gilas player, then the regular draft follows,” ani Narvasa.

Sa kasunduan, papa­yagan ang cadets na mag-report agad sa Gilas kapag tinawag ng nagbabalik na national coach na si Chot Reyes. Una na ring hiniling ni Reyes sa PBA na magpahiram ang bawat team ng isang player para sa kanyang bubuuing pool. Pinakamalapit na target ni Reyes ang 2017 FIBA qualifying.

“Magiging beneficial for everybody dahil the Gilas cadets will be able to live out their dream of making it to he PBA and at the same time serve the country,” ani Board chairman Robert Non ng San Miguel Beer.

Wala sa Gilas list sina­ Kiefer Ravena at Bobby Parks na nasa Texas Legends ng Dallas Mavericks. Makakalaro sila sa national team, pero hindi sa commercial ballclub.