Abante Tonite Interactive

Gilas preparado ba?

447

Naglabas na ng Gilas lineup ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at si coach Yeng Guiao nitong Linggo, Agosto 25 na sasabak sa 18th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2019 sa China sa Agosto 31-Setyembre 15.

Ang mga manlala­rong napili ay sina Phi­lippine Basketball Association (PBA) 5-time Most Valuable Player June Mar Fajardo, Gab­riel Daniel Norwood, Jeth Troy Rosario, Ro­ger Ray Pogoy, Japeth Paul Aguilar, Paul John Lee, Andray Blatche, Raymond Almazan, Andy Mark Barroca, Kiefer Isaac Ravena, Christian Jaymar Perez at Robert Lee Bolick, Jr.

Malakas naman ang lineup kahit marami rin ang magagaling na manlalarong nasa injured list, tulad nina John Paul Erram, Marcio Lassiter, at Matthew Wright.

Malaking tulong sana sina Wright at Lassiter dahil mga tirador sa 3 point line. Balanced naman ang team sa big men, sa power forward at shooting guard. At mabibilis din sila.

May mga nababahala sa pagsali kay Ravena dahil sa kanyang suspensiyon ng 18 buwan at tila kulang sa competitive basketball kasi nga ‘di nakalaro. Meron ding mga rookie na baka kabahan o magkaroon ng first time jitters kasi ngayon lang sasabak sa international competitions.

Alam din natin na wala ang Asia’s best point guard na si Jayson Castro at ang da­ting tirador na si Jimmy Alapag. Ganun pa man, meron tayong koponan na lalaban. Magaga­ling sila ngunit tila kulang sila sa mga laro na kumpleto sila.

Mukhang kulang din talaga tayo sa preparation dahil sumabay ang championship series ng PBA. Anyway, ang sinasabi ng mga expert sa basketball ay, “its not the composition but the preparation that counts.” Makikita natin kung nakapagprepara sila sa mga laro na mag-uumpisa sa Sabado.

Ang unang makakalaban ng Gilas ay ang Team Italia, na pinamumunuan nina National Basketball Association (NBA) star Danilo Gallinari at ang nagbabalik na Italian star Luigi Datome.

Mukhang preparado ang Italya dahil marami silang mga tuneup game, mga kalaban ang France, Serbia at iba pa. Alam din natin na pisikal maglaro ang mga Italyano.

Ang susuonod na­ting makakalaban ay ang Serbia, isa sa sinasabi nilang magiging kampeon ng torneong ito, dahil marami silang NBA player gaya nina Bogdan Bognanovic, Nikola Jovic, at iba pa.

‘Di puwedeng mag-relax sa Angola, na nanalo ng AfroBasket ng 11 times.
Anyway, tayo naman ay laging lumalaban.
Good luck Gilas.