Abante Tonite Interactive

Gilas stint ni Slaughter namimiligro

May aberya!

By
1,600

Hindi pa makumpirma kung gagamiting naturalized player o local si Greg Slaughter sa Gilas Pilipinas.

Kasama ang Ginebra 7-footer sa 16-man pool ni coach Yeng Guiao na isasabak sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bago dayuhin ang Iran sa Setyembre 13, kailangang duma­ting ang dokumento ni Slaughter na magpapatunay na nakakuha siya ng passport bago mag-16 years old para eligible bilang local.

Abante Hiring – IT dep

“I just gotta get some documents back in the States,” ani Slaughter. “My parents hopefully can send those over.”

Taga-Cebu ang nanay ni Slaughter, doon din siya nag-aral bago lumipat ng Ateneo.

Miyembro siya noon ng unang Smart Gilas na binuo noong 2010, nakalista bilang local.

Pero nagbago ang eligibility rules ng FIBA, kailangan ni Slaughter ng dokumentong magpapatunay na local siya.

“Hopefully they can get to process that, and hopefully my eligibility will be good,” dagdag ni Slaughter.

Hindi pa mabuo ni Guiao ang 12-man lineup para sa susunod na window ng FIBA WCAQ dahil isa lang ang pinapayagang naturalized player ng bawat bansa.

Sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger ang dalawa pang ikinukonsiderang gawing naturalized pero dahil kailangan ng big man sa pagkawala ni injured June Mar Fajardo ay malamang na ang Fil-German rookie ng San Miguel na ang kunin.