Abante Tonite Interactive

Gilas vs. Malaysia muntik mag-riot

By
16

KUALA LUMPUR — Ejected sina Baser Amer at Carl Bryan Cruz sa 5:41 ng third period, pero tinambakan pa rin ng Gilas Pilipinas ang Malaysia, 98-66, at dumiretso sa third straight win kagabi sa 29th Southeast Asian Games 2017 men’s basketball prelims sa MABA Stadium dito.

Abante ang Philippines ng 52-40 nang muntik magka-riot dahil sa pag-lock ng isang Malaysian sa mga braso ni Kevin Ferrer sa mid-court play.  Umawat lang si Cruz habang nag-react si Baser Amer na kinatalsik nila sa laro sa rekomendasyon ng mga refrees.

Si naturalized player­ Fil-German Christian Standhardinger ang bumuhat sa Nationals nang sa pangatlong sunod na game ay magtatak ng double-double na 18 points at  18 rebounds para sa sweep ng bansa sa Group A.

Makakasalpukan ng Gilas ang Group B No. 2 team alinman sa Singapore (2-1) o Vietnam (1-1) sa siklab ng Final Four bukas. Wala pang talo ang Indonesia (2-0) na maaring mag-no. 1
Pinagbabalasa rin ng mga Pinoy ang Myanmar, 129-34 at Thailand, 81-74.

Nakikipagbuno pa ang Perlas Pilipinas (2-1) sa Thais (2-0) kagabi sa women’s division habang sinusulat ito.