Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas vs Thailand bukas

0 106

Nakatakdang buksan ng Gilas Pilipinas (1-0) at Thailand (0-1) ang una sa dalawang labanan sa 2021 International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup qualifiers sa Khalifa Sports City Stadium sa Manama, Bahrain ngayong Biyernes ng alas-9:00 nang gabi (Sabado ng alas-2:00 nang madaling araw, Manila time).

Hinakbangan ng Nationals ang Indonesia noong Pebrero 23 sa Jakarta bago natigil noong Marso ang qualifying tournament dahil sa Covid-19.

Binubuo ang PH quintet ng all-amateur squad habang all-local pro ang Thais na core ng Hi-Tech Bangkok City. Wala ang kanilang main na nasa Estados Unidos pa na si Thai-American main Tyler Lamb. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.