Abante Tonite Interactive

Gilas Women pinulbos ang Thais Ginto sa wakas!

425

Nahuli rin nina Jack Animam, Afril Bernardino, Khate Castillo at ng Gilas Pilipinas ang mailap na gold sa SEA Games women’s basketball.

Kinumpleto ng Pilipinas ang 91-71 upset win laban sa four-time titlist Thailand sa finale Martes nang gabi sa MOA Arena para ikuwintas ang unang gold sapul nang sumali ang bansa rito noong 1977.

Unbeaten sa tatlong laro ang Gilas.

Double gold medalists pa sa Games sina Bernardino, ­Animam, Janine Pontejos at Clare ­Castro ­tapos unang ­sikwatin ang ­women’s 3×3 title.

Nakadikit pa ang Thais 45-43 sa halftime bago humarabas ang Pinay dribblers sa third para ilayo sa 68-52 papasok ng fourth.

“We had a breakout game in the third. Jack was tremendous, Afril was there,” suma ni coach Patrick Aquino sa postgame. “Everybody supported – Khate Castillo, Janine Pontejos, everybody.”

Kinamada ni Animam ang 8 sa kanyang 21 points sa third.

May 11 points si Pontejos sa first tungo sa 16, umayuda ng tig-11 sina Castillo at Casey Hayes.

Tumapos si Bernardino ng 10 points, 14 rebounds – 7 dito sa offensive end – at 5 assists.

Bago nasungkit ang gold, nangolekta muna ng 6 silvers at 5 bronze medals ang PH 5 sa Games. (VE)