Abante Tonite Interactive

Gilas Youth, Alas sa PSA Forum

357

Tampok sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang Gilas Pilipinas Youth team na pa-FIBA U19 World Cup at si PBA player Kevin Alas ngayong Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate.

Ikukuwento ni NLEX guard Alas ang kanyang recovery sa injury, habang tatalakayin nina National squad U19 standout Ariel John Edu at team manager Andrew Teh ang kampanya ng koponan sa FIBA sa Hunyo 27-Hulyo 8 sa Heraklion, Greece.

Hatid ang weekly forum ng San Miguel Beer, Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Alas-10 ng umaga ang simula ng programa at lahat ng miyembro ng organisasyon ay inaanyayahang dumalo. (Ja­niel Abby Toralba)