Abante Tonite Interactive

Gillenwater pinasibat na, pinagmulta pa!

By
1,588

Paalis na lang si Troy Gillenwater, pinahabulan pa ito ng multa ng PBA. Inaprubahan ng opisina ni Commissioner Willie Marcial kahapon ang P20,000 fine sa San Miguel Beer import dahil sa “physically contacting a game official.”

Binangga ni Gillenwater si referee Rey Yante sa 2:29-minute mark ng second quarter ng Beermen-Rain or Shine game noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.

Ejected si Gillenwater, nag-all Filipino si coach Leo Austria at yumuko ang SMB sa Elasto Painters 123-119 sa overtime.

Tanging nasabi ni Gillenwater ay hindi niya sinadya ang nangyari.

Pagkatapos sentensiyahan, nagmamadali na siyang umalis ng PBA office sa Libis.

Hindi na sumipot sa praktis ng Beermen kahapon si Gillenwater, pinasibat na ng team at papalitan ni Renaldo Balkman.