Abante Tonite Interactive

Gin tuloy sa pamamayagpag hanggang 2021 – Report

By
1,144

Isa sa patok at tinatangkilik na alak ng mga Pinoy ay ang Gin. Anumang handaan o okasyon ay isa ito sa ­kalimitang nilalaklak mapa-rakrakan man o sosyalan.

Sa basketball lang ay walang kupas at ­patuloy na nanganganak ang mga fan ng Gins. ­Ganado sa buhay ‘ika nga nila.

At bilang magandang balita sa mga may paborito o mahilig­ ­tumungga ng Gin, ­lumabas sa pag-aaral ng industry publication just-drinks at market ­research group IWSR na bukod sa mataas ang bentahan ngayon ng gin sa merkado ay inaasa­hang lolobo pa ito sa ­buong mundo hanggang sa taong 2021.

Noong nakaraang taon lamang ay tumaas ng pitong porsiyento ang bentahan ng gin kumpara noong 2016 na nasa 35 million nine-­liter cases.

Sa nangungunang 50 market, 39 dito ay nakaramdam ng pagtaas habang 19 naman dito ay kumita ng doble kung saan ang bansang Europe ang nag-top sa konsyumer ng gin, ayon na rin sa ulat ng ­industriya.

Sa kasagsagan at dami ng umiinom ng gin sa Europe ay umabot­ sa higit five million nine-liter case point ang naibenta sa Spain, ito’y ayon na rin sa ulat dahil sa flavored gin.

Bukod sa Europa­ ay umangat din ang benta­ sa United ­Kingdom, ­Germany, Italy at France.