Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gina may tulog kay Jaclyn

0 131

NI: ARCHIE LIAO

Nitong Enero, nagpahayag ng interes ang beteranang aktres na si Gina Pareño na mag-audition sa isang Disney movie.

May casting call kasi ang isang Hollywood company para sa role ng isang Pinay na lola.

Para sa premyadong aktres, kaya niyang mabigyan ng justice ang naturang papel.

Pero hindi lang si Gina ang interesado sa naturang role, maging ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose ay gusto ring subukang mag-audition sa nabanggit na coveted role.

Sey ng ilang kibitzers, may bentahe raw si Jaclyn kay Gina dahil Cannes award winner ito.

Pagtatanggol naman ng ilan, huwag daw isnabin si Gina dahil international award-winning actress din ito.

For the record, nagwagi bilang best actress si Gina sa Osian’s Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema at Brussel International Filmfest noong 2006 para sa pelikulang Kubrador.Tinanghal din siyang best actress

sa 6th International Pacific Meridian Film Festival sa Vladivostok, Russia noong 2008 para sa indie movie na Serbis.

Sey pa nila, kakabugin din ni Gina si Jaclyn sa pagtitiktok at paramihan ng followers sa kanyang videos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.