Abante Tonite Interactive

Ginalingan! Ethel Booba birit sa ‘It’s Showtime’, nag-trending

818

Nag-trending ang pag-guest ni Ethel Booba sa “It’s Showtime” nitong Biyernes.

Lingid sa kaalaman ng iba, maliban sa magaling na komedyana, may ibubuga rin si Ethel bilang singer.

Pinatunayan niya ito nang maging contestant siya sa special edition ng ‘Tawag Ng Tanghalan’ kalaban sina Marlo Mortel at Alex Castro.

Kinanta niya ang John Farnham version ng “Help”, na kanta naman ng The Beatles.

Na-impress niya ang mga judge lalo na si Dulce.

Hinikayat niya si Ethel na maging serious singer dahil regalo aniya ito ng Diyos sa komedyana.

“God’s gift to you is singing, the gift of voice. Alam ko na hindi mo maiwasang mag-comedy, kasi natural kang comedian talaga. Pero, ang prayer ko, bumalik ka doon sa serious singing mo,” ani Dulce.

“Gusto ko talagang seryosohin mo ‘yung pagkanta mo, kasi ako, nanghihinayang ako… Mas bigyan mo pa ng time, kasi ang galing-galing mo,” dagdag pa niya. Si Ethel ang tinanghal na panalo kanina.

Maging ang mga netizen kinagulat na may maganda pala umanong boses si Ethel. (IS)