Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginang binutas ulo habang naglalakad

0 325

Patay ang 41-anyos na ginang makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki habang naglalakad sa Barangay Commonwealth sa Quezon City, nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nakilala ang biktima na si Rechelle Javier ng Brgy. Payatas-A. Alas-siyete ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa kanto ng Pinagkaisa at Camia St., sa Brgy. Commonwealth.

Ayon sa saksi, nasa loob umano siya ng kanilang tahanan nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at sa paglabas nito ay bumungad na ang nakahandusay na ginang. Agad siyang humingi ng saklolo sa mga awtoridad para iulat ang krimen.

Nasamsam sa crime scene ang isang basyo ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril. Iniimbestigahan na ang motibo sa pamamaril. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.