Abante Tonite Interactive

Ginang butas ang bungo nang hatawin ng martilyo ng ka-live in

0 115

EDISON REYES
Part 13

Nang dumating sina Mayor Isko sa naturang lugar, kusa ng lumabas ng bahay ng kapatid si Eric nang makita ang ­alkalde, kasama ang mga tauhan ng SMART at da­lawa pang unit ng pulisya mula sa headquarters ng MPD na nagbigay ng ayuda, upang isuko ang sarili.

Sinabi ni Eric sa alkal­de na nagkaroon muna sila ng mainitang pagtatalo ni Connie matapos ­niyang sitahin sa ­nakita niyang naka-post sa ­social media account na facebook ng kinakasama na nasa likuran niya ang isang lalaki.

May nakalagay pa ani­yang dalawang ­emoji, isang digital image o bilog na mukha na ginagamit upang maipahayag ang damdamin, emosyon o ideya na may ­nakalagay na “waiting” habang ang isa pa na kumindat ang mata ay nakalagay ­naman sa bahaging ­ibaba ng lalaki.

Habang nagkakaroon aniya sila ng mainitang pagtatalo ng ­kinakasama, nasabi sa kanya ng biktima na nais na niyang makipaghiwalay kaya’t doon na nagdilim ang kanyang paningin na naging dahilan upang magawa ang krimen.

Mariin namang itinanggi ni Margarette ang bintang ni Eric na may bagong lalaki sa kanyang buhay ang kapatid lalu na’t sa kanya isinusumbong ni Connie ang walang basehang pagseselos ng kinakasama, pati na ang ­banta ng lalaki na kung hindi siya ay ang ginang ang kanyang papatayin.

Nag-ugat aniya ang mga pagbabanta ni Eric nang ihayag ni Connie sa kinakasama ang kagustuhang maghiwalay na ­lamang sila kung ayaw ­siyang paniwalaan na ­trabaho at hindi ­paghanap ng lalaki ang kanyang ­inaatupag sa city hall.