Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginang kinatay matapos lumaklak

0 84

Natagpuang tadtad ng saksak at walang buhay ang isang ginang matapos niyang tuloy-tuloy na makipag-inuman sa tatlong lugar sa Atimonan, Quezon noong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling-araw.

Bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang katawan ng biktimang si Lorena Pizarro Deseo, 51, sa loob mismo ng kanyang kuwarto sa Barangay Angeles.

Ayon sa Atimonan police, lasing ang biktima nang mangyari ang insidente.

Una siyang pumunta sa bahay ng isang barangay kagawad dakong alas-siyete ng gabi kasama ang dalawang kainuman na sina Arwin Vasquez at Eva Espaniolla.

Lumipat pa ang mga ito at mulingnaglaklakan sa isang tindahan sa kalapit-barangay ng Balubad kung saan sumali sa inuman ang isang lalaki na nakilalang si Deo Aguilar.

Matapos ang inuman, umuwi sa kanyang bahay ang biktima kasama si Aguilar at muli silang nag-inom.

Matapos malasing, lumabas na umano ng bahay si Aguilar at nakahiga sa duyan nang marinig nito ang kaguluhan sa loob.

Sasaklolo umano si Aguilar subalit may sumipa sa kanya at tumakbo papalabas.

Saka pa lang nadiskubre si Deseo na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak sa katawan.

Hawak pa rin ng mga awtoridad si Aguilar na itinuturing na person of interest sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.