Abante Tonite Interactive

Ginang kinatay ng mister sa selos

603

Nasawi ang isang ginang matapos itong pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa pagseselos sa Sto. Tomas, Batangas Linggo nang hapon.

Kinilala ang biktima na si Juvy Lozon y Tante, 33, residente ng Blue Isle Subd., Brgy. Sta. Maria, Sto Tomas.

Sa report ng Sto. Tomas police, alas-2:30 ng hapon nang magkasagutan ang biktima at mister nitong si Rodrigo Lozon y Lara, 57, sa loob mismo ng kanilang bahay.

Ayon kay P/MSgt. Teresa de los Santos, may hawak ng kaso, matagal na umanong nagseselos ang mister at naghihinala na may ibang lalaki ang kanyang misis na itinatanggi naman ng huli.

Nauwi ang sagutan sa pagkuha ng lalaki ng bali­song at itak at sa bugso ng galit ay nasaksak at pinagtataga nito ang kanyang misis na nagtamo ng mga malalalim na tama sa katawan.

Agad nasawi ang babae samantalang nadatnan ng mga awtoridad sa bahay ang hindi makapaniwalang suspek sa nangyari kasama ang dalawang anak. (Ronilo Dagos)