Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginang na bibili ng noodles, tinodas

0 61

Patay ang isang ginang makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang patungo ng tindahan upang bumili ng noodles para sa anak, kamakalawa sa Cebu City.

Pero giit ng pulisya, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagkakapatay sa biktimang si Elera Navaja, 43, ng Sitio Maracas, Barangay Lahug matapos makakuha umano ng ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa bulsa ng suot nitong shorts.

Base sa ulat ni P/SSg. Roy Bacus ng Mabolo Police Station, pasado alas-siyete ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Sitio Tarcom, Barangay Busay ng nabatid na lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na papunta sana ng tindahan ang biktima para bumili ng instant noodles na kanyang lulututin para sa kanyang anak nang madaanan siya ng hindi pa kilalang lalaki at pagbabarilin na agad niyang ikinamatay matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dati nang nakulong si Navaja noong 2018 dahil sa paggamit ng iligal na droga at nakalabas ng kulungan makalipas ang ilang buwan.

Banggit ng tatay ng biktima, mabait na tao ang kanyang anak at wala siyang kilalang nakaaway nito sa kanilang lugar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.