Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginang na bibili ng TV ninakawan, hinulog sa bangin

0 205

Naging mitsa ng buhay ng isang ginang ang kanyang inipong pera na pambili sana ng television set nang nakawan siya ng isa niyang kabarangay at patayin pa sa pamamagitan ng paghulog sa bangin sa bulubunduking barangay sa Real, Quezon noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Real Police ang biktima na si Flora Ocular, 40, residente ng Sitio Mayaog, Brgy. Pandan. Batay sa pulisya, dala ng biktima ang perang P20,000 at bababa ito sa bayan upang bumili ng TV set nang sundan ng 26-anyos na binatang suspek na si Arjay Asa Tropicales.

Your email address will not be published.