Abante Tonite Interactive

Ginang pinatay ng lover

551

Patay na at naliligo sa sariling dugo ang isang 45-anyos na ginang makaraang pagsasaksakin umano ng kanyang live-in partner sa Brgy. Cararayan, Naga City, Camarines Sur.

Mismong ang 15-anyos na dalagitang anak ng biktima, na sadyang hindi inilabas ang pangalan, ang nagsumbong sa Naga City Police Sabado nang hapon ukol sa pananaksak sa ina nito, na may-ari ng tindahan ng mga spare part, ng suspek na amain nito na nagtatrabaho sa negosyo ng ina at kalaunan ay naging sila na at nagsama.

Nakita umano ng dalagita ang pag-untog ng suspek sa kanyang ina sa pader at matapos ito ay ilang ulit na pinagsasaksak.

Abante Hiring – IT dep

Mabilis na humingi ng tulong ang dalagita sa mga kapitbahay at sinamahan ito sa himpilan ng pulisya para iulat ang nangyari, gayunman ay hindi na naabutang buhay ang ginang at nakatakas na ang suspek.

Nakakuha naman ng pagkakataon ang dalagita para sabihin ang panggagahasa sa kanya ng suspek na itinago nito dahil sa pananakot ng huli na papatayin silang mag-ina.

Nabatid na nakulong na ang suspek matapos nitong saktan ang ginang subalit sa awa at pagmamahal, ito mismo ang nagpiyansa para makalaya ang kinakasama. (Edwin Balasa)