Abante Tonite Interactive

Ginang pinatay sa saksak sa harap ng 5-taong gulang na anak

267

EDISON REYES

Kaagad na niyakap at tinangkang itayo ni Dennis at asawa at dito na niya natuklasan ang dugong umaagos sa likod ng ginang kaya’t nagsisigaw siyang humingi ng tulong sa kanyang bayaw upang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.

Sa kabila ng mabilis na pagtugon ng mga doktor sa Mandaluyong Medical Center, nabigo rin silang maisalba ang buhay ni Josephine sanhi ng tinamong malalim na saksak sa pagitan ng dibdib at sikmura.

Nang makarating sa kaalaman nang noon ay dating chief of police ng Mandaluyong City na si Supt. Ericson Velasquez, kaagad niyang iniutos ang masusing pagsisiyasat sa kaso at ang agarang pag-TUGIS sa sinumang may kagagawan nang walang kapararakang pagpatay sa ginang.

Nakarating na rin sa kaalaman ni noon ay dating Mandaluyong Mayor Banjamin Abalos, Jr. ang pagpasok ng kawatan sa bahay ng pamilya Castro at ang pagpatay sa ginang kaya’t inatasan niya si Supt. Velasquez na lutasin kaagad ang krimen.

Dahil na rin sa direktiba ni Supt. Velasquez, dalawang mga bihasa at batikang imbestigador ng Mandaluyong Police Homicide Unit ang ipinadala sa lugar na pinangyarihan ng krimen upang magsagawa ng malalimang pagsisiyat.

Kabilang sa mga natalagang imbestigador na magsiyasat sa nangyaring krimen sina SPO1 Edmund Fabela at Insp. Sazon, na unang nagtungo sa pinagdalhang pagamutan sa ginang upang alamin ang kanyang kalagayan.