Abante Tonite Interactive

Ginang, pinatay sa saksak sa harap ng 5-taong gulang na anak

203

EDISON REYES

Sa kabila ng inihaing argumento ng akusado, higit na binigyang timbang ni Asso­ciate Justice Jose Reyes ang naging testimonya ni Muymoy matapos na iponente ang desisyon noong Enero 27, 2006 na inayunan din nina retired Associate Justices Antonio Villamar at Ruben Ayson.

Sa naturang desisyon ng Court of Appeals, ibinasura ng mga mahistrado ang apela ng kampo ni Eguzon at inayunan ang naging hatol ng mababang hukuman na patawan ng reclusion perpetua ang akusado bagama’t inalis nila ang kautusang magbayad ng P57,500 sa pamilya ni ­Josephine bilang danyos at sa halip ay ginawa lamang P25,000 and dapat na maipagkaloob sa ­pamilya ng napaslang.

Sa kabila ng desisyon ng appellate court, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang kampo ni Eguzon na mapapawalang sala sa kaso ang akusado at inakyat nila ang usapin sa Mataas na Hukuman sa paniwalang nagkamali ang mababang hukuman at mga mahistrado ng Court of Appeals sa pagpapataw ng parusa.

Panibagong argumento ang inihain ni ­Eguzon sa mga mahistrado ng Korte Suprema kabilang na rito ang aniya ay hindi magkakatugmang mga pahayag ng testigong si ­Muymoy na malinaw na hindi magiging kapanipaniwala at kaduda-duda.

Isinahalimbawa niya ang pahayag ng ­dalawang nakatatandang kapatid na babae ni Muymoy na sina Monica at Mary Joy na hindi sila nagising sa kanilang pagtulog sa ikalawang palapag ng bahay nang mangyari ang krimen na taliwas sa pahayag ng batang testigo na ­nagising din ang kanyang mga kapatid.