Abante Tonite Interactive

Ginang pinatay sa saksak sa harap ng 5-taong gulang na anak

456

EDISON REYES

TUNGKULIN ng bawa’t magulang na pagkalooban ng pagmamahal, wastong pag-aaruga at pagpapahalaga ang kanilang mga anak, lalo na’t wala pa ang mga ito sa tamang edad upang magpasiya ng naaayon sa kanilang kaisipan.

Bihira sa mga batang hindi pa gaanong nahuhubog ang kaisipan at wala pang muwang sa mga pangyayari sa kapaligiran ang pinapahintulutan ng kanilang magulang na gawin ng mga hakbang na karaniwan ay mga nasa hustong edad lamang ang dapat na gumawa.

Gayunman, mas nagiging kapani-paniwala pa ang mga batang nasa mura pa lamang ang edad kung ang pagbabatayan ay ang pagsasabi ng katotohanan kumpara sa mga nasa hustong gulang na puwedeng gumawa at maglubid ng kasinungalingan upang itago o ilihis ang tunay na kaganapan.

Sa kaso ng limang taong gulang na batang lalaki na itinago lamang sa alyas “Muymoy”, ang kanyang walang takot na pagsasabi ng katotohanan sa mga nasaksihang kaganapan ang naging dahilan upang mabigyan ng katarungan ang ginawang pagpasalang sa kanyang ina sa loob mismo ng kanilang tirahan sa Mandaluyong city may ilang taon na ang nakakaraan.

Bago nangyari ang krimen, masayang namumuhay ang pamilya ng mag-asawang Dennis at Josephine Castro sa kanilang dalawang palapag na tirahan na hindi naman gaanong kalakihan sa Mandaluyong city.

Kasama ng pamilya Castro and kapatid ni Josephine na si Sharon at asawa nito sa iisang bubong at umookupa sa isang silid sa ikalawang palapag ng naturang bahay.