Abante Tonite Interactive

Ginang, tinadtad nang pinong-pino ng asawa at ipinakain sa mga isda

303

Hindi naman nagtagal ay naging magkasintahan ang dalawa hanggang tuluyang maging sunud-sunuran na lamang si Juliet sa anumang kagustuhan ni Mangabat dahil na rin sa takot na gawan ng masama ng lalaki.

Natuklasan na kasi ni Juliet ang mga illegal na aktibidad na ginagawa ng kasintahan sa kanilang ba­yan sa Albay at ipinagtapat na rin nito sa dalaga ang ginawang pagpatay sa ka­sintahang si Jem bago siya nagtago sa Bicol Region.

Sinabi pa ni Col. Tamayao sa TUGIS na inamin ni Mangabat kay Juliet ang ginawa niya ring pagpatay sa asawa, na siyang ina ng kanyang tatlong taong gulang na anak na si JB, noong naninirahan pa sila sa Barangay Carabatas, Grande, Centro Cauayan sa lalawigan ng Isabela.

Inamin umano ni Mangabat kay Juliet ang pagpatay at tiniyak na hindi na makikita ninuman ang bangkay ng ginang dahil tinadtad niya ng pinong-pino ang katawan nito at ipinakain sa mga isda sa isang palaisdaan na dati nilang pag-aari.

Sinabi umano ni Mangabat kay Juliet na ito ang dahilan kaya’t naglahong parang bula ang kanyang asawa at walang sinuman ang nakabatid kung nasaan ang ginang.

Ayon kay Col. Tamayao, mahalaga sa isang krimen na makita ang katawan ng biktima upang umusad ang kaso at dahil may umiiral na prinsipyo ng “corpus delicti” o body of the crime na isa sa jurisprudence o may kapasyahan na ang mga ma­histrado ng Korte Suprema, walang dahilan upang sampahan ng kasong parricide si Mangabat ­kahit inamin niya sa kasintahan ang ginawang pagpatay sa asawa.

Hindi na rin aniya na nagawa pang suriin ng mga awtoridad sa Cauayan, Isabela ang sinasabing palaisdaan kung saan ipinakain umano ni Mangabat ang tinadtad na katawan ng ginang dahil ­mahigit isang taon na ang nakalilipas matapos aminin umano ng akusado kay Juliet ang karumal-dumal na krimen.

Ang ginawang pag-amin ni Mangabat sa ka­sintahang si Juliet kaugnay sa mga krimeng kanyang ginawa at iba pang kasong kanyang kinasa­sangkutan ay isang paraan din upang takutin ang dalaga at maging sunud-sunuran sa kanyang mga kagustuhan.