Abante Tonite Interactive

Ginang, tinadtad nang pinong-pino ng asawa at ipinakain sa mga isda

By
0 191

Pagsapit sa Tuguegarao City, napansin ni Mangabat na paubos na ang gasolina ng minamaneho niyang sasakyan kaya’t ipinasya niyang magpakarga sa isang gasoline station ng Petron sa Barangay Tagga.

Gayunman, sa halip na bayaran ang P1,600 na halaga ng gasolinang ikinarga sa gamit na sasak­yan, mabilis na pinaharurot ni Mangabat ang SUV patungo sa hindi nabatid na lugar.

Ang hindi alam ni Mangabat, may nakakabit na closed-circuit television camera (CCTV) sa gasoline station kaya’t nang rebisahin ito ng pulisya matapos magharin ng reklamo ang kinatawan ng gas station, natukoy ng mga pulis ang plate number ng sasakyan.

Nang makarating ito sa kaalaman ni Tuguegarao police chief Col. Jessie Tamayao, iniutos niya ang paglalabas ng flash alarm sa kulay puting Montero SUV na may plakang VEM-787 na minamaneno ni Mangabat.

Pasado alas-11 nang umaga noong Enero 18, 2016 nang makatanggap ng impormasyon ang Tuguegarao Police Station kaugnay sa nakitang SUV na tumutugma sa inilabas na flash alarm sa bisinidad ng Taft Street, malapit sa Dingkoy’s Videoke Bar.

Kaagad na iniutos ni Col. Tamayao kina SPO4 Francisco Castillo at PO1 Perfecto Maribbay, kapwa nakatalaga sa Alert Team ng Tuguegarao Police Station na magtungo sa naturang lugar at dito nila natiyempuhan ang sasakyan ni Mangabat dakong alas-11:45 nang umaga.

Nang matunugan ni Mangabat ang paparating na mobile patrol, patay-malisyang pinaharurot niya ang sasakyan kaya’t hinabol sila ng dalawang pulis hanggang abutan sa Luna Extension, Ugac Norte, sa tapat ng Petron Bacud Gasoline Station.

Inatasan ni SPO4 Castillo si Mangabat na ihinto ang sasakyan subalit sa halip na tumalima, lalo pa niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa Centro 10 kung saan binangga na niya ang iba pang sasak­yan upang makalusot patungong Eastern Barangay.

Hindi naman tumigil ang miyembro ng Alert Team sa pag-TUGIS kay Mangabat hanggang sa muntik na niyang masagasaan ang mga batang mag-aa­ral na tumatawid sa lansangan sa harap ng Libag Elementary School sa Maharlika Highway, Barangay Libag Norte.

Pagsapit sa Barangay Gosi, natanawan ni Manga­bat ang isinasagawang checkpoint ng Community Police Unit o COMPAC subalit sa halip na tumigil, binangga niya ang nakalagay na barikada na naging daan upang bumagal ang takbo ng SUV.

Dahil dito, nabangga ang likurang bahagi ng sasakyan ni Mangabat ng mobile car na tumutugis sa kanya subalit sa halip na tuluyang huminto, muli niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa Barangay Dadda.

Attachments area