Abante Tonite Interactive

Ginang, tinadtad nang pinong-pino ng asawa at ipinakain sa mga isda

257

Sa pag-aakalang nailigaw na niya ang mga tumu-­TUGIS na pulis, kumanan patungo sa Allam Street si Ma­ngabat at itinago ang minamanehong sasak­yan sa isang madamong lugar su­balit ­natunton din siya ng dalawang miyembro ng Alert Team ng Tuguegarao police.

Huli na nang makita ni Mangabat ang paparating na mobile patrol dahil nakababa na siya sa minamanehong sasakyan kaya’t sa pagnanais na tumakas, nagtatakbo siyang palayo hanggang tuluyang masukol sa hindi kalayuan.

Inatasan ni SPO4 Castillo si Mangabat na sumuko ng matiwasay nang mamataang may hawak na bagay na itinago sa kanyang likuran. Sa halip na sumuko, unti-unting lumapit si Mangabat kay SPO4 Castillo habang nakalagay pa rin ang isang kamay sa kanyang likuran.

Isang malaking tipak na bato pala ang hawak ni Mangabat na tinangka niyang ihataw sa ulo ni SPO4 Castillo subalit nasangga ito ng pulis. Dito na nagkaroon ng pagkakataon si Mangabat na agawin ang hawak na baril ni SPO4 Castillo subalit sa kanilang pag-aagawan, pumutok ang baril at tumama ang bala sa dibdib ng suspek.

Isinugod naman kaagad ng nagrespondeng Rescue 1111 si Mangabat sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan kaagad siyang isinailalim sa maselang operasyon.

Bago pa man masukol nina SPO4 Castillo at PO1 Maribbay si Mangabat, natanawan na rin nila ang pagbaba sa sasakyan na kanilang tinutugis ang isang may edad ng babae, kasabay ang isa pang kabataang babae na may kasamang batang lalaki.

Ang mga tauhan na ng COMPAC sa Barangay Gosi ang nagdala sa tatlo sa tanggapan ng Woman and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Tuguegarao police station at ipinabatid na rin ang pagkakasangkot nila sa krimen sa lokal na tanggapan ng City Social Welfare Department (CSWD) ng naturang lungsod.

Nang suriin ng SOCO ang SUV na ginamit sa pagtakas ni Mangabat, natuklasan na ang plakang nakakabit dito ay hindi tumutugma sa nakarehistrong chassis number at engine number ng sasakyan kaya’t tumibay ang paniniwala ng pulisya na kabilang ito sa mga kinarnap na sasakyan.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ng Tuguegarao police, dito na natuklasan ni Col. Tamayao na ang lala­king nakaratay sa pagamutan matapos manlaban sa kanyang tauhan ay si Victorino Mangabat, Jr. ang itinuturing na Most Wanted Person ng Ilocos Region na sangkot sa mga pagpatay sa graduating student na si Jemima Kezia Andres at may kinalaman din sa paglalahong bula ng kanyang asawa.

May nakabimbin ding warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ni Laoag City RTC Judge Francisco Quillala ng Branch 14 kaugnay sa ginawa niyang pagpatay kay Jem.