Abante Tonite Interactive

Ginataang Santol

295

Tara na’t magluto at kumain ng masustan­siyang ulam na swak sa inyong bulsa.

Sangkap:
1 kilo ng santol (binalatan, kinayod na maliliit)
2-3 piraso ng niyog (itabi ang kakang-gata)
2-3 tasa ng gata
Giniling na karne ng baboy (optional)
2 kutsarang alamang
1/2 kutsarita ng asukal
Asin, luya, sibuyas

Paraan ng pagluluto:
Isalang ang ikala­wang gata.
Ilagay ang sibuyas, luya at alamang.
Pagkulo ay isunod ang santol, giniling at pakuluan sa loob ng 20-30 minuto.
Ilagay na rin ang asukal at isunod ang kakang-gata.
Makalipas ang 5 minuto, patayin o patuloy na lutuin hanggang sa medyo matuyo.

Note:
Bago iluto ay ibabad muna sa tubig na may asin ng limang minuto ang santol at pigain.