Abante Tonite Interactive

Ginebra abangers sa San Miguel o Magnolia

398

Napipinto ang pakikipagsalpukan ng Ginebra alinman sa sister teams nilang Magnolia at San Miguel sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Bilang No. 4 (7-4), toka ng Gin Kings ang No. 5 sa best-of-three affair.
Sa kasalukuyan ay parehong 5-5 at magkabuhol sa 5th-6th ang Beermen at Hotshots, may tig-isang laro pa sa tiklop ng eliminations sa Miyerkoles – SMB vs. Meralco, Magnolia vs. TNT.

Aakyat sa No. 5 ang Magnolia kapag tinalo ang KaTropa. No. 5 ang Beermen kapag tinalo ang Bolts at matatalo ang Hotshots.

Abante Hiring – IT dep

Kapag nanalo pareho ang Magnolia at SMB, seselyuhan ng Hotshots ang No. 5 sa bisa ng winner-over-the-other rule.

Nilampaso ng Hotshots ang Beermen 118-82 sa eliminations noong June 26, unang pagtatagpo tapos ang Philippine Cup Finals na tinapos ng San Miguel sa pitong laro para itaas ang panlimang sunod na all-Filipino crown. (Vladi Eduarte)