Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra abante sa semis: Aguilar kumayod

0 147

Mga laro ngayon (AUF gym)

4:00 pm – TNT vs. Alaska

6:45 pm – Phoenix vs. Magnolia

Smart Clark Giga City – Mula sa manipis na one-point lead, kumalas sa final 4 minutes ang Ginebra para sipain ang Rain or Shine 81-73 Biyernes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym.

Sumakay ang Gin Kings sa 23 points at 11 rebounds ni Japeth Aguilar para unang team na bibiyahe sa semifinals ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble. May tig-11 pts. sina Aljon Mariano at Prince Caperal, 10 pt.s kay Stanley Pringle at 7 pts., 10 rebs., 5 assists kay Scottie Thompson.

Tuwing hawak ng Gins ang twice-to-beat, hindi pa sila nasisilat. 0-3 naman ang Rain or Shine sa pagkakataong kailangang manalo nang dalawang beses.

Nilapit ng pull up jumper ni James Yap ang Elasto Painters 72-71, nagbaon ng back-to-back baskets si Pringle, sinundan ng jumper ni Mariano at 3 ni Tenorio at bigla ay abante na ang Gins 81-71, 55 seconds na lang.

Binitbit ng 13 markers ni Mark Borboran ang RoS.

Narating ni Tenorio ang isa pang milestone ng kanyang 14-year career sa second quarter nang pakawalan ang 3,000th assist matapos subuan si Aguilar sa layup tungo sa 36-33 lead ng Gins. May 8 assists ang playmaker palamuti sa kanyang 8 points.

Pang-11 player ang 36-year-old na si Tenorio sa 45 years ng liga na nakaipon ng ganu’n kadaming assists, pero pangalawa lang sa active players pagkatapos ni San Miguel playmaker Alex Cabagnot.

Pero hindi naglaro si Cabagnot kagabi rin at tumukod ang Beermen sa Meralco 78-71 sa sarili nilang quarters match.

Nasagad ang twice-to-beat ng No. 4 Beer, napuwersa ng Bolts ang win-or-go-home match sa Linggo.

Niregaluhan ni Aaron Black ng panalo ang kanyang amang si Norman isang araw matapos magdiwang ng 63rd birthday ang Meralco coach.

May 3 points lang ang rookie sa first three quarters pero sumabog ng 11 sa fourth nang salagin ang late rally ng SMB.

Namuno sa Bolts ang 16 points ni Reynel Hugnatan.

Nagsumite ng 14 points, 11 rebounds si Mo Tautuaa sa San Miguel.

Ang mga iskor:

First Game

Meralco 78 – Hugnatan 16, Black 14, Amer 12, Newsome 11, Quinto 9, Hodge 6, Faundo 4, Maliksi 4, Jamito 2, Jackson 0, Caram 0, Almazan 0.

San Miguel 71 – Tautuaa 14, Lassiter 12, Ross 10, Escoto 10, Zamar 8, Santos 8, Alolino 6, Gamalinda 2, Mamaril 1, Pessumal 0.

Quarterscores: 21-11, 40-31,

Second Game

Barangay Ginebra 81 – J. Aguilar 23, Caperal 11, Mariano 11, Pringle 10, Tenorio 8, Thompson 7, Dillinger 4, Devance 4, Chan 3, Tolentino 0.

Rain or Shine 73 – Borboran 13, Mocon 12, Nambatac 10, Belga 9, Yap 8, Onwubere 6, Wong 6, Ponferada 5, Rosales 2, Arana 2, Norwood 0, Torres 0.

Quarterscores: 20-22, 40-37, 59-55, 81-73. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.