Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra dedma sa balik ni Slaughter

0 312

Tahimik pa ang kampo ng Barangay Ginebra sa estado ng higante nilang si Greg Slaughter.

Martes nag-post ng larawan sa Instagram si Gregzilla na nakabalik na ng Manila.

“It’s good to be back home!” caption niya.

Pagkatapos tulungan ang Gin Kings na bawiin ang Governors Cup crown noong January, nagdesisyon ang 7-foot center na magbakasyon muna sa basketball.

Hindi siya pumirma ng bagong kontrata sa team na nag-draft sa kanya bilang top pick overall noong 2013, nagpunta muna ng US para magpahinga.

Maya’t maya ang post ni Slaughter ng videos niya na nagwo-workout, nasa gym din.

Hawak pa rin ng Ginebra ang rights kay Slaughter, pero malamang na hindi na hahabulin ang Fil-Am center para maglaro sa resumption ng 45th PBA Philippine Cup sa Clark bubble.

Bago dumating si Slaughter ay nakapagsumite na ang Gin Kings ng final lineup at wala sa 15-man roster ang pangalan niya.

Sabak agad ang Gins laban sa NLEX sa pangalawang laro sa opening day ng restart sa Oct. 11 sa AUF gym. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.