Abante Tonite Interactive

Ginebra diyeta sa huling 3:48

By
1,333

Parang nabarahan ang basket ng Ginebra sa final 3:48 ng Game 5 ng PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome nitong Sabado.

Hindi sumurender ang Gin Kings, inalat lang sa dulo hanggang tuluyang kapusin sa San Miguel Beer 100-94.
Huling tumikim ng basket ang Gins sa layup ni Jervy Cruz, mula roon ay inalat na.

Pagkatapos ng pambasag-tabla sa 94 na layup ni Alex Cabagnot, nakakuha pa ng ilang disenteng tira ang Ginebra pero ayaw makisama ng basket.

Kabyos ang tigalawang 3-point attempts nina LA Tenorio at Sol Mercado. Sablay ang layup ni Jervy Cruz at jumper ni Scottie Thompson.

Nakadalawang pukol pa sa labas ng arc si Tenorio sa final 10 se­conds, pero ayaw talaga.

Sa kabila, isa pang jumper ang ibinaon ni Cabagnot bago kalmadong tumira sa free throw line si Marcio Lassiter at naselyuhan ang panalo ng Beer. (Vladi Eduarte)