Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra inilapit sa trono: Tenorio mabangis

0 170

Finals Game 5 sa Miyerkoles (AUF gym):
6 pm –TNT vs. Ginebra
(Gin Kings lead series 3-1)

Smart Clark Giga City – Naligtasan ng Ginebra ang RR Pogoy show sa fourth quarter para bawian ang TNT 98-88 tungo sa 3-1 lead sa PBA Philippine Cup Finals sa Smart 5G-powered AUF gym Linggo ng gabi.

Tulong-tulong sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Stanley Pringle para panatiliin sa unahan ang Ginebra matapos ibaba ng Tropang Giga ang 18-point deficit.

Tumapos sina Aguilar at Tenorio ng tig-22 points, 16 kay Pringle Kinapos ng isang assist si Thompson para sa triple-double sa 11 points at 11 rebounds. Kumalawit ng 9 boards si Aguilar at may 2 blocks, may 6 assists at 3 steals si Tenorio.

SM food to go Banner Ad

Puwede nang tapusin ng Gin Kings ang best-of-seven at itaas ang unang all-Filipino crown sapul noong 2007 sa Game 5 sa Miyerkoles.

Tinapos ng Ginebra ang first half sa 8-0 run – anim dito kay Tenorio – bago inumpisahan ang second half sa 7 unanswered points para dumistansiya 56-39.

Umagwat hanggang 82-64 ang Gins pero naibaba ng TNT sa 88-85 bago nagsagutan sina Tenorio at Pogoy ng malulutong na back-to-back 3s kulang 2 minutes na lang.

Tatlo sa apat na tres ay ibinaon sa fourth ni Pogoy tungo sa 34 points.

Napasama ang tapak ni Jayson Castro pagbababa nang umatake sa basket 9 ½ minutes pa sa third at hindi na bumalik. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.