Abante Tonite Interactive

Ginebra kulang sa depensa, ‘amuyan’

402

Nakuha na ng Ginebra ang target na top four finish pagkatapos ng 11-game eliminations sa PBA Governors Cup at twice-to-beat sa quarterfinals, pero may mga bagay pang gustong hasain si coach Tim Cone papasok sa playoffs.

“Things that we’re not doing well instinctively, like getting back on defense, communicating defensively,” lahad ni Cone pagkatapos ng 98-96 loss sa NorthPort Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dito raw sila magpopokus ngayong linggo.

“Try to get in and ­really get down defensively and try to improve that area of our game right now,” dagdag ng two-time grand slam coach. “It’s obvious for us there’s something we need to work on our game.”

Hindi na naapektuhan ang Gin Kings kahit natengga sa 7-4 win-loss slate dahil sigurado na sila ng puwesto sa upper half ng eight-team quarterfinals. Bago nasilat sa Batang Pier ay itinumba ng Ginebra ang TNT at Columbian noong Nobyembre 8 at 15.

Nasementuhan ang top four finish ng Kings dahil din sa 100-93 win ng Magnolia sa KaTropa noong Sabado.

Malamya raw, kundi man absent, ang defense ng team.

“I don’t like where our defenses is right now. I haven’t for the last three or four games,” pagbubun­yag ng coach. “We’ve got to get that corrected before we get into the playoffs.” (VE)